Halos 1000 Rebelde, Sumuko sa DU30 Gov't sa Compostela Valley at Davao del Norte!

Pumalo na sa 877 na mga rebelde ang nagnanais mag balik-loob sa gobyerno at suportahan ang administrasyon Duterte. Ang mga rebeldeng ito ay galing sa mga probinsiya ng Compostela Valley at Davao Del Norte.

Ayon kay 1001st Infantry Brigade Commander Col. Erwin Bernard Neri, sumuko ang 39 na New People's Army (NPA), 179 Militia ng Bayan (MNB), 73 Sangay ng Partido (SNP) at 586 mass supporters mula sa Disyembre 21 hanggang Marso 1.

Ibinahagi rin ni Neri na ilan sa mga sumukong rebelde ay may mataas na katungkulan sa kanilang kilusan. Maari daw nag-ugat ang sunod-sunod na pagsuko ng mga rebelde nang bumisita si Pangulong Duterte sa Panacan noong Disyembre 21.

Nagpasalamat naman si Neri sa binibigay na tulong ng komunidad at sa pagsuporta sa militar.

"This development is an offshoot of the continued support of the community exhibiting their disgust and hatred of the communist terrorist movement," sabi ni Neri.

Ito po ang naging tugon ng mga tao sa bagong tagumpay na ito ng gobyerno.

Bilib ka ba sa kampanya kontra-NPA ng DUterte Gov't?

Source: PTV

Loading...

No comments:

Theme images by sndr. Powered by Blogger.